Sunday, 25 October 2015

Pagboto sa Halalan 2016

 Malapit na ang halalan 2016 at kinakailangan na pumili ng bagong lider. Ayon sa survey ang nangunguna ay si Grace Poe, kaso hindi ibig sabihin ay siya na ang magiging presidente kasi hindi pa naman botohan. Dahil na lalapit na ang halalan 2016 ay kinakailangan na nating siguraduhin kung sino ang ating iboboto, at dapat lahat tayo ay maki-ankop kasi kahit isang boto ng tao ay malaking halaga na.

    Sa edad natin nayon, wala pa tayo sa tamang edad para bumoto kaso kahit sa edad natin ngayon may kaalaman din tayo at alam din natin kung sino ang sa tigin natin na makakabuting lider sa ating bansa. Kaya dapat bigyan din ng pansin ang mga opinion ng mga kabataan. Ang payo ko sa mga boboto sa halalan 2016 ay dapat alamin muna nila at kilalanin mabuti ang mga kumakandidato bago bumoto kasi merong mga taong kaya nila binoto to kasi nakikigaya sila o dahil sikat ung iboboto nila. Kailangan nila siguraduhin na ang iboboto nila ay makakabuti sa ating bansa. Pag mali ang kandidato na iboto ng mga tao, maaring patuloy ma korup ang ating bansa o kaya walang pagbabago at di umunlad.

     Lahat ng taong nasa edad labing walo pataas ay may karapatang bumoto sa halalan 2016, kaya dapat lahat tayo ay maki-ankop para sa ating bansa. Lagi nating tandaan na nasa ating mga filipino ang kinabukasan ng ating bansa. Kaya pag isipan munang mabuti bago bumoto.